Magiging hapi rin kahit hindi labs ang Hapon na mister-to-be dahil sa limpak-limpak na datung
- Maestro Honorio Ong
- Sep 29, 2019
- 2 min read

Katanungan
1. Ikakasal na ako sa susunod na buwan pero hindi ako masaya. 2. Hindi ko mahal ang lalaking mapapangasawa ko dahil ipinagkasundo lang ako at ang nagdesisyon nito para sa akin ay ang tita ko na mukhang pera na nasa Japan. 3. Gusto ng tita ko na makaahon kami sa kahirapan, yumaman at maipagawa ang sira-sira naming bahay kaya pumili siya ng mayamang Hapon para mapangasawa ko. 4. Ang gusto kong malaman ay kung liligaya kaya ako sa Hapon na ito na mapapangasawa ko kahit hindi ko siya naging BF? Pang-apat na pagkikita pa lang namin ngayong October, tapos magpapakasal na kami agad kahit hindi ko siya gaanong kakilala at hindi ko naman siya mahal.
Kasagutan 1. Marami kang kapareho ng naging sitwasyon sa pag-aasawa kung saan nagpakasal sila sa foreigner hindi dahil mahal nila kundi dahil sa pera. Kaya ang nangyari, ‘yung iba ay nahiwalay din sa kanilang asawa at nasira ang pamilya. Naghanap sila ng kapwa Pinoy at bumuo ng bagong pamilya. 2. Gayunman, may iba na nagkaroon ng masayang pamilya sa piling ng foreigner dahil mabait ang kanilang napangasawa kaya natutunan nilang mahalin. Dahil dito, nagkaroon sila ng masagana, maunlad at panghabambuhay na pamilya. 3. Ang maipapayo ko sa iyo ay gayundin, pag-aralan mo siyang mahalin dahil parang subject lang ‘yan, kahit napakahirap ay matututunan mo rin. Kung mabait siya, siguradong darating ang araw na matututunan mo rin siyang mahalin, habambuhay. 4. Kayo ng mapapangasawa mong Hapon ang nakatakdang magkatuluyan. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isa at magandang Marriage Line (Drawing A, at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, tanda na sa sandaling nakapagdesisyon ka na, kahit hindi mo siya mahal ngayon, unti-unti mong makikita ang mabubuting side niya hanggang sa matututunan mo siyang mahalin. 5. Ang pag-aanalisang bagama’t, sa umpisa ay pinakasalan mo siya dahil sa pera at matututunan mo siyang mahalin ay madaling kinumpirma ng straight na Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, tanda na kahit malungkot ka sa iyong sitwasyon ngayon, kapag nakapunta ka na sa Japan at nakahawak ng limpak-limpak na salapi, habambuhay mo na siyang mamahalin at sa piling ng nasabing lalaki ay habambuhay ka ring magiging maligaya.
Dapat Gawin Ayon sa iyong mga datos, Grazela, anumang desisyon mo, hindi mo maiiwasan ang nakatakda kung saan mapapangasawa mo ang nasabing Hapon. At pagpasok ng 2020, masasabi mo sa iyong sarili na tama ang desisyon mo at magkakaroon ka ng maunlad na pagpapamilya, habambuhay (Drawing A. at B. t-t arrow c.).




Comments