Ikinumpara kay Gerald na playboy, napikon… Derek, hinamon nang face-to-face ang netizen
Nitz Miralles / Bida

Kahit sa Dubai, super sweet sina Derek Ramsay at Andrea Torres.
Sa IG story ng hunk actor, masaya silang kumakain ng sexy actress at makikitang habang nagbi-video si Derek, nasa tabi niya si Andrea na kunwari ay nagba-basketball.
Kinilig ang mga supporters ng dalawa dahil after banggitin ni Derek si Andrea, agad itong yumakap sa kanya. ‘Yung jacket na suot ni Andrea habang nagsasalita si Derek ay sa aktor siguro dahil sa pagiging member ng basketball team na naglaro sa Dubai at rason ng kanilang pagbabalik doon.
Sabagay, kahit saan magpunta ang dalawa, kahit magkatabi lang sa sasakyan o kaya’y kumakain, sweet pa rin talaga.
Samantala, hindi nagustuhan ni Derek ang comment ng isang basher na pareho na sila ni Gerald Anderson na lahat ng nagiging leading ladies ay nagiging GF o nakakarelasyon.
Sabi ni Derek sa basher, “I’d love to meet you one day,” at “Sino sa mga leading ladies ko ang naging GF ko?”
In fairness kay Derek, si Andrea lang sa mga leading ladies niya ang naging GF niya dahil wala siyang ex-GF na nakapareha sa mga ginawang pelikula at TV series.
Hindi rin siguro nagustuhan ni Derek ang comment ng basher na nakipagpustahan pa at sinabing hanggang three months lang ang relasyon nila ni Andrea kaya dinelete niya ito.





Comments