top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Setyem­bre 29, 2019 (Linggo)

Maestro Honorio Ong
Sep 29, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 29, 2019 (Linggo): Hindi ka mauubusan ng suwerte. Kahit makaranas ka ng hindi magandang kapalaran, ang mga suwerte ay magdaratingan sa iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka kahit marami kang problema. Kapag may saya kahit kaunti, ang magagandang oportunidad ay mapupunta sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-20-24-37-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang simpleng paraan dahil mapapadali ang iyong pag-unlad. Ang nabubuhay sa pasikut-sikot na daan ay madalas na naliligaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-20-24-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang maglibang sa masasayang kaganapan. Ang tao ay nabubuhay pero, hindi alam kung paano pagagandahin ang kanyang kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-21-25-29-31.

CANCER (June 21-July 22) - Darami ang magkakainteres sa iyo. Ang ganitong katotohanan ay puwede mong mapakinabangan sa negosyo at personal mong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-24-25-38-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maglalapitan sa iyo ang mga suwerte. Binibigyan ka ng langit ng kalayaan na pumili kung sino at ano ang gusto mong maging bahagi ng buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-22-28-30-31-36-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gawin mong munting puhunan ang biyayang mapasasaiyo. Magsisilbing binhi ito na sa huli ay yayabong, lalago at mamumunga na mapakikinabangan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-27-34-43-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag may problema, lumalapit ang tao sa langit. Kapag ang tao ay sinusuwerte, naglalapitan sa kanya ang mga nagbabait-baitan. Mag-ingat ka dahil sa huli ka napabibilang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-11-18-27-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong sarili dahil baka maulit ang pagtangay ng iyong saya at sa huli ay manghinayang ka sa mga nawala sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-20-26-31-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa alam mong makasisira sa iyong diskarte. Hindi puwede na huminto ka sa tinatahak mong landas kung saan mapatatatag mo ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto­4-15-17-23-30-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang madikit sa iyo, siya ang suwerte. Mismong langit ang lihim na nag-utos na dumikit sa iyo ang mga taong magbibigay ng magandang kapalaran sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-24-25-36-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakapagtataka ang kapalaran mo ngayon dahil kahit mag-ubos at magsayang ka, hindi ka kagagalitan ng langit. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-18-24-26-36-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapalaran ka dahil ang buhay sa mundo ay pakikipagsapalaran. Ang mga takot makipagsapalaran ay mapabibilang sa mga walang pag-asa na gumanda ang kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto­-10-18-25-26-36-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page