top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Enjoy na raw sa 'Love Team' nila ni Lorna… Gardo, todo-pakiusap kay Coco na 'wag tsugihi

  • Ronalyn Seminiano
  • Sep 29, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Sasabak sa isa pang teleserye si Gardo Versoza. Bukod sa FPJ’s Ang Probinsyano, mapapanood na rin siya sa Sandugo. Kaya ba niyang pagsabayin ang dalawa?

Tila hindi pa niya alam ang sagot sa tanong na ‘yan dahil aminado siyang hindi niya alam ang kapupuntahan ng karakter niya sa teleserye ni Coco Martin.

Pero, umaasa ang magaling na aktor na ‘wag agad siyang patayin sa FPJ’s Ang Probinsyano kahit may bago na siyang serye. “Harinawa.

Sana huwag patayin. Lalo na ngayon, kumbaga meron kaming parang love team ni Lorna Tolentino, kumbaga, nai-enjoy ko siya. So, sana, hindi naman patayin sa Probinsyano.”

Ayieee, keye nemen pele (sa tonong pang-millennial)… Pero siguro naman, hanggang pang-camera lang ang love team nila dahil kakakasal pa lang ni Gardo in real life, ha?

Pero wala pa namang hint na magwawakas na ang role niya kaya super wish siya na sana ay magtagal pa ang pakilig nila ni Lorna, lalo na ngayong ka-love triangle nila si Mister President. Ooops, hindi si P-Duterte, ha!

“Masaya ‘yun, lalo na ‘yung kay LT (Lorna). Nu’ng una, parang hindi naman ganu’n kaklaro na parang love triangle kami, pero ru’n napupunta. Dati, biru-biruan lang ‘yun, tapos sabi ko, mukhang iba na ‘yung… parang kinakagat ng mga televiewers ‘yung love triangle namin ng president, so nakakatuwa,” waring kinikilig na sabi ni Gardo.

Naku, ha, baka maging true-to-life ang feelings? Hahaha! Nagpapasalamat din ang aktor dahil kahit medyo matagal din siyang nawala sa pag-arte ay nabigyan ulit siya ng oportunidad para muling magpakitang-gilas.

“Nagpapasalamat ako dahil kumbaga, matagal-tagal din na hindi ako nakalabas sa Kapamilya Network. So, very thankful ako sa ABS kasi nga magaganda at makukulay ‘yung mga roles na ibinigay nila, eh. Praise the Lord, kaya ibinibigay ko rin naman ‘yung very best ko.”

Samantala, todo-pasalamat din siya kay Coco Martin dahil isinama siya sa Ang Probinsyano.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page