top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Todo-kayod para sure na oks ang future… Kathryn at Daniel, may plano na sa kasal

Erlinda Rapadas
Sep 28, 2019
1 min read

Walang dapat ipag-alala ang partidos ni Kathryn Bernardo kahit super in love siya ngayon sa BF niyang si Daniel Padilla. Nasa tamang pag-iisip pa rin si Kathryn at hindi basta-basta susubo sa pag-aasawa. Career pa rin ang kanyang priority at malayo pa sa plano niya ang pag-aasawa.

She’s 23 years old at ang marrying age for her ay 26 years old, so tatlong taon pa bago nila pag-iisipan at paplanuhin ni Daniel ang kanilang kasal.

Sa career muna sila naka-focus ngayon at sa mga investments/negosyo na kanilang ipinupundar. May bagong negosyo si Kathryn na pagsososyohan nila ni Daniel.

Pareho nilang gusto na maging financially stable para sa maganda nilang future at mas gusto rin nilang tumatag pa nang husto ang kanilang career.

May bago silang seryeng pagta­tam­balan pero bago suma­bak sa teyping, magba­ba­­kas­yon muna sina Kathryn at Daniel sa Iceland.

Suportado rin ni Kathryn si DJ at pakiusap niya sa Kath­Niel fans ay suportahan din nila ang movie ni Daniel kahit hindi siya ang kapareha tulad ng pagsu­porta nila sa movie niya noon with Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye.

Mas mature na ang outlook sa buhay nina Kathryn at Da­niel at pareho nilang inaala­ga­an ang kanilang movie career.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page