Clearing operations, ‘wag lang ningas-kugon!
- BULGAR

- Sep 28, 2019
- 1 min read
Bukas na ang ibinigay na deadline sa mga lokal na pamahalaan para malinis ang kanilang nasasakupan.
Hindi lamang sa Metro Manila nangyari ang clearing operations kundi sa lahat ng lokal na pamahalaan sa buong bansa.
Ito ‘yung mga eksenang baklas dito, giba ru’n. Kaliwa’t kanan din ang hulihan.
‘Ika nga ng mga demolition team, trabaho lang, walang personalan.
At marami naman ang natuwa dahil naging malinis at maaliwalas ang mga kalsada bagama’t, may mga tirahan at kabuhayang naapektuhan.
Kaugnay nito, iginiit ng Department of Interior and Local Government (DILG) na wala nang extension ang ibinigay na ultimatum at magkakaalaman na kung sino o sinu-sinong opisyal ang inutil na susundan ng pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman.
Samantala, ang deadline na ibinigay ay hindi katapusan kundi umpisa pa lang ng mas matindi pang operasyon. Mag-uumpisa pa lang ang mas matinding hamon kung paano mapananatili ang malinis na kapaligiran at maluwag na lansangan.
Hindi maitatangging ugali na ng iba ‘yung sa umpisa lang magaling at kumikilos lang ‘pag may nakatingin. ‘Yan ang dapat nating baguhin.
At itong magagandang ipinupunla natin ay siya ring aanihin ng mga susunod pang henerasyon.





Comments