top of page
Pokwang.jpg

Chairman, nilikida ng gunman

Pabs Hernandez III
Sep 28, 2019
1 min read

Quezon—Isang barangay chairman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Behia, Tiaong.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na si Chairman Ildeponso Belda, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakatayo sa tapat ng kanilang bahay si Belda nang lapitan ng suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Belda.

Naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad para makilala at madakip ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page