Alam daw ng 3 kung ano'ng totoong nangyari… Lolit, never babawiin na talagang inisnab ni Alex si
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Naging issue kamakailan ang diumano’y pang-iisnab ng aktres-vlogger na si Alex Gonzaga sa mga Kapuso stars na sina Ken Chan at Rita Daniela na nangyari sa isang airport sa Mindanao matapos itong ilabas ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account.
Sinagot ito ni Alex at pinabulaanan ang snubbing issue. Makikita ring ini-retweet niya ang previous tweet ni Ken Chan na “Chambe” bilang patunay na okay sila.
Noong Sept. 24 ay ini-repost ni Alex sa Instagram Story ang suporta sa kanya ng ateng si Toni Gonzaga.
“PEOPLE WHO KNOW YOU THE LEAST WILL ALWAYS HAVE THE MOST TO SAY ABOUT YOU. REMEMBER THAT.”
Sinabi rin ni Toni na, “Good morning @cathygonzaga! Hayaan mo na. You know the truth. Love you!”
Pero, nitong Sept. 25 ay muling nag-post sa Instagram si Manay Lolit.
Aniya, “In regard po sa pangyayari kay Alex Gonzaga, Rita Daniela at Ken Chan, sumusumpa po ang source ko na totoo raw na nangyari ang bagay na iyon.”
Dagdag pa ng talent manager, hindi naman niya gustong siraan si Alex. Bagama’t nakakainsulto raw ang ginawa ng utol ni Toni sa mga kapwa artista, karapatan naman daw nito kung ayaw makipagtsikahan sa mga Kapuso stars.
Hindi rin maiwasang ikumpara ni Manay Lolit si Alex kay Coco Martin.
“Si Coco Martin, kahit saan makakita ng taga-showbiz, kahit hindi niya kilala, binabati niya, pakita sa mga tao na iisang mundo silang lahat na artista, walang ABS o GMA. Iyon lang ang hinanap ko kay Alex Gonzaga. At kung totoo na hindi nangyari, mas mabuti, dahil at least na-clear niya. Pero sabi ng source ko, kaya niyang humarap kay Alex. So be it.”
Nakahanap naman ng kakampi si Alex sa singer na si Donnalyn Bartolome na nagkuwento sa kanyang Instagram account at pinatunayang mabait ang vlogger-actress at hindi nang-iisnab.
Bilib si Donnalyn sa professionalism ni Alex na kahit daw namamaga ang mukha dahil sa sakit ng ngipin, sinipot ang shoot niya para sa kanyang music video dahil nakasagot na ito sa kanya.
Samantala, pati pala ang ina nina Toni at Alex ay namagitan na sa issue.
Ayon kasi sa Sept. 26 Instagram post ng talent manager, tila nagkaroon sila ng heart-to-heart talk ni Mommy Pinty Gonzaga at gusto na raw nitong tapusin ang issue.
Kuwento ni Manay Lolit, “In fairness sa Mommy Pinty nina Toni at Alex Gonzaga, kahit nu’n pa, mabait siya sa akin ‘pag nakikita ko. So, nang ipakausap siya sa akin ni Jun Lalin sa phone, kinausap ko. Sinabi ko na iyong paggalang ko sa kanya, hindi nawawala at hindi ko malilimutan iyong pagiging mabait niya sa akin.
“Sabi ko, huwag na siya magpaliwanag sa nangyari, after all, tapos na at ayaw naman palakihin na ang issue nina Ken Chan at Rita Daniela. Walang paliwanagan, basta para sa akin, nasulat ko ang nangyari, kung ano ang totoo, nasa kunsensiya na nilang tatlo ‘yun. Basta dahil nandu’n ang respeto sa akin ng Mommy Pinty nina Toni at Alex, nandu’n din ang respeto at paggalang ko sa kanya. Case closed. Wala nang issue. Salamat, Mommy Pinty, basta iginagalang kita, at ok na po.”





Comments