Yakang-yaka na raw nila, TV host, 'wag nang sumali… Sharon, ayaw maging producer si Kris ng movi

Mukhang hindi feel ni Sharon Cuneta na maging producer si Kris Aquino ng reunion movie nila ni Gabby Concepcion dahil aniya ay masyado na raw silang marami na gustong mag-produce.
“Napakarami na naming magpo-produce, ‘wag nang maraming sumali,” natatawang sabi ni Sharon, pero alam mong may laman.
Matatandaan kasing sinabi ni Kris kay Gabby nang ma-interview niya ito recently for her vlog na siya raw ang magpo-produce ng matagal nang hinihintay na Sharon-Gabby reunion movie at umoo naman ang aktor.
“Parang ang gulo na ng aspect ng production, du’n nga nagkakagulo, eh.
Parang the last time… Parang mas marami, mas magulo, so, maybe let’s leave it at that. Let’s see who’s going to win the bidding.
“Kung meron, we don’t even know if there’s going to be a movie,” dagdag pa ni Sharon.
May pag-asa pa ba talagang magkaroon ng Sharon-Gabby reunion movie?
“Alam mo kasi, I can’t speak for him, eh. I can only speak for myself. And I think, I’ve spoken too much about it before. Na let’s just hope. If you’ll ask me, I’m open to it, I’ve no problem with it, I’m a professional actor,” she said.





Comments