Top employers ng SSS, kinilala sa Balikat ng Bayan Awards
- Thea Janica Teh
- Sep 27, 2019
- 2 min read

Bulgarific
Hello, Bulgarians! Halos 500,000 employees mula sa 55,000 employers ang maaari nang ma-enjoy ang kanilang benefits at privileges ng Social Security System (SSS) matapos itong mag-avail ng kanilang Contribution Penalty Condonation Program (CPCP).
Ibinahagi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na umabot na sa P1.81 bilyon ang nakolekta galing sa mga employer na nag-avail ng CPCP mula noong March 6 hanggang September 6, 2019, samantala, P7.88 bilyon naman ang total na nakolekta sa mga multa sa kontribusyon sa ilalim ng CPCP.
Masayang ibinalita ni Ignacio na halos kalahating milyong Pinoy mula sa pribadong kumpanya ang maaari nang makakuha ng pitong benepisyo mula sa SSS kaya pinaaalalahanan ang mga employer na i-remit na ang mga kontribusyon sa SSS.
May ilang employers ang nagbayad agad ng full at ang iba naman ay nagbayad ng installment hanggang 48 months.
Inaasahang magiging responsable na sila sa pagbabayad ng kontribusyon para makakuha ang kanilang mga empleyado ng sapat na benepisyong hatid ng SSS.
Ang mga active SSS member ay maaaring makakuha ng sickness, maternity, unemployment, disability, retirement, funeral at death/survivor benefits.
Samantala, pinaalalahanan ng SSS ang mga employer na hindi pa nag-a-avail ng kanilang CPCP na maaari silang dumiretso sa SSS Operations Legal Department for filing of case or for serving of Warrants of Distraint, Levy and Garnishment (WDLG).
++++
Kinilala kamakailan ang 2019 top employers ng SSS sa kanilang Balikat ng Bayan (BnB) Awards kasabay ng kanilang ika-62 anibersaryo.
Kabilang sa mga top employer ang Ryomo Philippines Corporation, Gingoog
City Colleges, Inc. at Hitachi Global Storage Technologies Philippines Corp. dahil sa walang sawang suporta at pagsunod sa Social Security Act of 2018.
Nasa litrato sina (L-R): SSS NCR Operations Group Senior Vice-President Jose
Bautista, SSS Branch Operations Sector Executive Vice-President Judy Frances See, SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, Hitachi Global Storage Finance Manager Ryan Ibardolaza, Gingoog City Colleges, Inc. Finance Coordinator Melissa Apolinar and Assessment Remittance Incharge
Paz Gonzales, Ryomo Philippines Corporation Human Resource Administration Supervisor Ma. Melanie Sebastian and Human Resource Administration Assistant Mojica Grace Dequiña, Social Security Commissioner
Diana V. Pardo-Aguilar, SSS NCR North Division Vice-President Helen Abolencia at SSS Account Management Group Acting Head Atty. Antonio Argabioso.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments