top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Palad ng susuwertehin na sa trabaho, kikita pa sa raket

Maestro Honorio Ong
Sep 27, 2019
2 min read

Katanungan

1. Bakit parang dalawa ang Fate Line sa aking palad? Ano ang ibig sabihin nito?

2. Sa ngayon, ako ay nag-aaral ng BS Accounting at malapit na akong makapagtapos.

3. Magiging matagumpay kaya ako sa kursong ito at matutupad kaya ang pangarap ng nanay ko na maging CPA ako balang-araw?

Kasagutan

1. Kapansin-pansin ang malinaw at makapal na Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow a.) na madali namang nakasampa sa Mount of Jupiter o Bundok ng Katuparan (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa sandaling nakapagtapos ka ng nasabing kurso at nag-review, malaki ang tsansa na madali kang makapapasa sa Board exam na kinumpirma ng maayos at maganda mong lagda. Gayundin, sa susunod pang mga taon, positibo ang mga mangyayari sa iyong career at sa nasabing larangan na napili mo, siguradong magtatagumpay ka at magiging maligaya.

2. Samantala, kapag dalawa ang Fate Line o double fate line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanang palad, ito ay tanda rin ng double source of income na ibig sabihin ay dalawa ang trabaho mo sa iisang panahon. Ibig sabihin ng dalawang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) ay magtatagumpay ka sa napili mong larangan at may iba pang larangan na maaari mong maging libangan kung saan regular ka pa ring kikita.

Mga Dapat Gawin

1. Daisy, muli, ayon sa iyong mga datos, ang dalawang Fate Line na nasa kaliwa at kanan mong palad (Drawing A. at B. F-F arrow b.) ay nagsasabing kapag tapos ka na sa iyong pag-aaral, siguradong hindi ka mawawalan ng regular na trabaho at bukod sa regular na trabaho, marami ka pang ibang pagkakakitaan.

2. Samantala, ayon sa iyong Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.), bukod sa maganda at mabungang career na nakalaan para sa iyo, sa taong 2023 at sa edad mong 25 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page