top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Movie, kahit tapos na, todo-post ng pictures nila… Hirit ng fans: Alden, ginagamit lang si Kathryn p

Nitz Miralles
Sep 27, 2019
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Photo: @aldenrichards02

Nag-shoot pala ng bagong TVC ng isang brand ng ice cream sina Kathryn Bernardo at Alden Richards at may mga fans na naman na nag-react.

May mga nagseselos pa rin palang KathNiel fans kay Alden at galit sila sa aktor, kay Kathryn at sa kumpanya ng naturang ice cream.

Parang mga bata ang ilang KathNiel fans na nagsabing ibang brand ng ice cream ang bibilhin nila dahil ayaw nilang magkasama sina Kathryn at Alden.

Kulang na lang, sabihan nila si Kathryn na ‘wag tanggapin ang maging endorser ng naturang ice cream.

Pati ang pagpo-post ni Alden ng throwback BTS photo nila ni Kathryn sa shooting ng Hello, Love, Goodbye, hindi nagustuhan ng mga fans. Ginagamit daw ni Alden si Kathryn to promote The Gift, kahit hindi binanggit ng aktor ang teleserye niya sa GMA-7. Showing kasi sa Vietnam sa 129 cinemas starting today ang HLG at gusto lang i-promote ni Alden.

Pati ang isang event sa October na magkasama sina Alden at Kathryn, isyu rin sa mga fans. Tanong nila, hindi ba alam ng organizer na may BF si Kathryn at bakit si Alden ang kinuhang kasama nito?

Mabuti at nasanay na si Alden sa mga hanash ng mga fans na ang iba ay sobrang babaw. Mas focused siya sa The Gift at nagpapasalamat sa magandang reviews ng viewers na pati non-Kapuso viewers, nagugustuhan.

Ang ganda ng balanse ng show — may drama, comedy, kilig at maraming ini-impart na lesson sa mga viewers.

Nabanggit ni Direk LA Madridejos ang target months airing ng The Gift at sa nagiging feedback ay tila mas magtatagal pa ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page