Laborer, dedbol sa backhoe
- Pabs Hernandez III
- Sep 27, 2019
- 1 min read
AKLAN — Patay ang laborer nang aksidenteng tamaan ng bucket ng backhoe kamakalawa sa Bgy. Agdugayan, Ibajay. Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si John Ian Daguno, nakatira sa Bgy. Rizal sa naturang bayan.
Ayon sa imbestigasyon, habang nagkakarga ng buhangin sa trak si Daguno ay nabagsakan ito ng bucket ng backhoe na ino-operate ni Melchor Tenorio.
Kaagad dinala ng mga saksi si Daguno sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival. Nahaharap si Tenorio sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments