DOH, hugas-kamay sa Dengvaxia, PAO ang sinisisi at idinidiin kaya takot na sa bakuna ang madlang pip
- Daing Mula sa Hukay
- Sep 27, 2019
- 6 min read

Pao Chief Persida Acosta / Daing mula sa hukay hustisya
Sa simula pa lang ng pagtugon ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Department Order No. 792, Series of 2017, klaro sa amin ang direktibang ito:
“In the interest of the service and pursuant to the provisions of Republic Act No. 9406 and its Implementing Rules and Regulations, the Public Attorney’s Office, through Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta, is hereby authorized and directed to extend free legal assistance in civil, criminal and administrative cases to all possible victims of Dengvaxia-related injuries, illnesses and deaths.”
Ang nasabing order ay tungkol sa kapinsalaan, karamdaman at kamatayan na may kaugnayan sa Dengvaxia. Ang lumapit sa amin ay mga magulang at kaanak ng mga naturukan ng nasabing bakuna at namatay. Isang partikular na bakuna ang paksa ng direktiba ng DOJ, ito ang sanhi ng ipinaglalaban ng mga mahal sa buhay ng mga biktima at ngayon ay may kaugnayan sa mga kasong isinampa ng PAO para sa naturang mga kliyente. Malinaw na Dengvaxia lamang at wala nang iba.
Gayunman, sa kalagitnaan ng measles at dengue outbreaks sa bansa, isinisi ang mga ito sa inyong lingkod at mga katulad nitong ayaw harapin ang kanilang responsibilidad sa nangyaring Dengvaxia fiasco.
Ang teorya nila, ang outbreak ay dahil sa kawalan ng tiwala ng publiko sa bakuna na sanhi ng aktibong pagsusulong ng PAO sa Dengvaxia cases. Kailan pa naging kasalanan ang pagiging masigasig sa pagganap sa tungkulin?
Dapat bang sisihin ang mga nagtatrabaho nang maayos? Ang alam ko, ang paninisi sa iba ang pinakamadaling paraan ng mga taong may pananagutan sa kanilang kapabayaan, ngunit, nais nilang linisin ang kanilang pangalan kaysa panagutan ang kanilang kasalanan.
Ang anumang uri ng public distrust sa mga bakuna na dala ng mga kamatayang naganap pagkatapos ng pagtuturok ng Dengvaxia ang hindi maiiwasang resulta ng mga sumusunod:(1) licensing at pagbili ng Dengvaxia habang ito ay nasa clinical trial phase 3 pa lang; (2) ang desisyon ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng mass vaccination nang walang informed consent, proper screening at presensiya o tulong ng mga doktor sa aktuwal na pagtuturok nito kahit ang Dengvaxia ay prescription drug at (3) ang DOH ay hindi nakapagbigay ng maagap at sapat na tulong sa Dengvaxia recipients.
Ang mga ito ay katotohanang hindi maitatago at hindi dapat itago sa publiko. May karapatan ang taumbayan sa katotohanan. Kung wala ang mga nabanggit na pagkakamali ng DOH, patuloy na ipagkakatiwala ng publiko sa DOH at medical community ang kanilang mga buhay. Malinaw na may mga taong hindi nagnanais na magpatuloy ang epektibo at marubdob na pakikipaglaban ng PAO upang makamit ang katarungan para sa mga biktima.
Sa yugtong ito ng ating laban, may criminal information and charges nang nai-file ang DOJ-National Prosecution Service laban sa mga personalidad na responsable sa purchase, licensing at administration ng Dengvaxia, samantalang, may motions to dismiss ang Sanofi Pasteur at mga opisyal nito na hindi pinagbigyan ng RTC-Quezon City. Samakatwid, hindi masasabi na ang criminal at civil complaints na isinampa ng mga pamilya ng yumaong Dengvaxia recipients ay walang basehan, gayundin ang katotohanan na ang Dengvaxia ay may seryosong safety concerns at dahilan ng mga kamatayan ng recipients ng bakuna.
Ang PAO ay hindi maaaring masisi sa measles outbreak, samantalang, may mga dahilan na nagtuturo sa DOH at pandaigdigang kaganapan na may kaugnayan sa measles. Nabatid sa Commission on Audit (COA) Report na napansin ng COA ang under-distribution ng measles vaccine mula noong 2014 hanggang 2017. Ito ang mga taon bago hawakan ng PAO ang Dengvaxia cases. Dahil dito, sinabi ng COA na ang distribusyon ng target number na measles vaccine noong panahong iyon ay hindi nasunod.
Ito ang ibinigay ng COA na mga bilang na may kaugnayan sa nasabing under-distribution ng DOH sa measles vaccine: 2014 (67%); 2015 (-6%); at 2016 (-22%). Pilit nilang ipinapasok ang PAO sa eksenang ito para magmukhang kontrabida, samantalang, wala man lang inilalapit sa amin noon na kaso ng Dengvaxia.
Bukod sa datos mula COA report, may mga ulat din mula sa World Health Organization (WHO) na nagsasabi na sa first half ng 2019, ang measles cases sa buong mundo ay pinakamataas sa anumang taon mula noong 2006. Mula Enero 1 hanggang Hulyo 31, 2019, isandaan at walumpu’t dalawang (182) bansa ang nag-report ng 364,808 measles cases sa WHO. Lagpas ito sa 129,239 na naiulat sa parehong panahon noong 2018.
Maging ang United States of America (USA) ay nag-report ng pinakamataas na kaso ng measles sa loob ng 25 taon. Alinsunod sa mga nabanggit na impormasyon, malinaw na may increased rate ng naiulat na measles cases, anuman ang geographical location o countries classification (halimbawa: developed country).
Inirerekomenda ng WHO ang target population na may 90% na national vaccination coverage. Subalit, may mga report na nagpapakita na ang estimate coverage ng measles-containing vaccine sa Pilipinas ay hindi umabot sa inirerekomendang 90% (2014-79%, 2015-82%, 2016-80%).
Ngayong mga panahong ito, hindi pa hinahawakan ng PAO ang kasong Dengvaxia.
Samantala, ang pagtaas ng bilang ng dengue cases ay hindi dapat iugnay sa Dengvaxia scandal. Alalahanin natin na bagama’t, ang Dengvaxia ay itinurok sa halos isang milyong bata mula noong Abril 4, 2016 na ini-launch ng DOH ang nasabing bakuna sa Parang Elementary School sa Marikina hanggang noong Nobyembre 2017, ang Pilipinas ay nagkaroon pa rin ng dengue outbreak. Malinaw na walang nagawa ang Dengvaxia upang maisalba ang mga biktima.
Dagdag pa rito, kung titingnan ang trend ng dengue cases sa Pilipinas sa mga taong bago pumasok ang Dengvaxia sa bansa (2015) at matapos ipagbawal (2018), pareho lang ang trend, gayundin ang figures. Ipinahahayag ng mga datos mula sa DOH Epidemiology Bureau na noong 2015: “A total of 200,415 suspect cases were reported, nationwide from January 1 to December 31, 2015. This is 64.8% higher compared to the same period last year (121,580).”
Inilahad din ng mga datos mula sa DOH Epidemiology Bureau na noong 2018: “A total of 200,415 suspect cases were reported, nationwide from January 1 to December 31, 2018. This is 42% higher compared to the same period last year (152,224).”
Sa mga impormasyon na nabanggit, malinaw na ang pagtaas ng dengue cases ay hindi maiuugnay sa Dengvaxia scandal ngunit, klaro na ang
pagtuturok nito sa humigit-kumulang 800,000 katao ay walang nagawa upang makatulong na makontrol ang phenomenon na ito.
Tulad ng measles outbreak, global din ang dengue outbreak dahil ang pagtaas ng dengue cases ay laganap sa buong mundo. Sa Dengue worldwide overview by the European Centre for Disease Prevention and Control na gawa noong Agosto 15, 2019, naobserbahan ang mga sumusunod:
“In 2019, Guatemala, Honduras, and Nicaragua have declared epidemiological alerts at national level.” Most of the reporting countries are observing a spike of cases this year. In South Asia, the Maldives have officially reported 3,310 cases as of 6 August 2019. As of 4 August, Thailand has reported 43,200 cases, compared with 28,100 for the same period in 2018.
The most affected provinces are Ubon Ratchathani, Trat and Chanthaburi.
Due to the intense circulation of the virus throughout the country, Thailand has declared a state of emergency. As of 20 July2019, Cambodia has reported approximately 39,000 cases of dengue, compared with 3,000 for the same period in 2018. As of 20 July 2019, Laos has reported a cumulative number of 15,657 cases. The trend of weekly reported cases is increasing, and dengue activity is significantly higher compared with the same period in 2018 (2,500 cases).
As of 12 August 2019, Malaysia has reported 82,800 cases of dengue in 2019, compared with 46,500 cases for the same period in 2018. The Philippines reported 146,062 dengue cases and 622 deaths since January and up to 20 July 2019. Last year, for the same period, the country had recorded 69,000 cases.
The Department of Health has declared a national dengue epidemic. As of 8 August 2019, Singapore has reported 9,600 cases of dengue, compared with 1,600 cases for the same period in 2018. As of 11 August, Taiwan has reported 375 cases, compared with 195 cases for the same period last year. The outbreak is mainly affecting the city of Kaohsiung.
The majority of the cases (82%) are imported cases. As of 20 July, Vietnam has reported 115,186 cases of dengue, compared with 29,000 cases for the same period in 2018. The number of cases has been sharply increasing since week 15 and is above seasonal levels. Sri Lanka is following the same trend as in 2018. As of 13 August 2019, 36,858 cases of dengue have been reported, compared with 35,000 cases for the same period last year. Colombo, Gampaha and Galle districts are the most affected areas.”
Malinaw sa mga datos na tumaas ang kaso ng dengue sa kontinente ng Amerika at Asya. Mapapansin na nagdeklara pa ng national emergency ang Thailand. Maliban sa lahat ng mga nasa itaas, alalahanin natin na ang sale at marketing ng Dengvaxia ay hindi na pinahintulutan mula noong Disyembre 2017, kaya paano nito mapipigilan ang dengue outbreak? Interesante ring malaman mula kay DOH Undersecretary Eric Domingo na ang Dengvaxia ay hindi isang uri ng vaccine na pangkontrol ng epidemya.
Narito ang bahagi ng ulat tungkol dito: “It is not an epidemic response vaccine,’ I don’t think that’s accurate. We have outbreaks in many countries that the Dengvaxia is a registered product because nobody uses it as a mass immunization product, not like measles or polio that we can give it to everyone.”
Nagsalita na ang maraming ebidensiya na walang kinalaman ang PAO at inyong lingkod sa pangungutya ng ilang mga personalidad ng diumano’y kaugnayan namin sa naturang outbreaks. Nawa ay mabuksan ng mga ito maging ang saradong mga isipan. (Itutuloy)





Comments