top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

40 sa 167 namatay sa diphtheria, dahil sa takot magpabakuna

Editoryal
Sep 27, 2019
1 min read

Kumpirmadong diphtheria ang ikinasawi ng 10-taong gulang na bata sa Maynila.

Ang Grade 4 pupil ay nilagnat, nakitaan ng rashes at singaw sa bibig at matapos ang halos isang linggo, namatay ang bata.

Kaugnay nito, muling hinimok ng gobyerno ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra sa nasabing sakit. Siguruhing nakatanggap ng kumpletong bakuna sa unang taon pa lang.

Bukod sa bakuna, mayroon din umanong nakahandang antibiotics kontra sa sakit.

Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ay ang pakiramdam na may makapal na nakabalot sa likuran ng lalamunan na maaaring mauwi sa mga problema sa paghinga, pagkaparalisado at pagpalya ng puso.

Isa pa sa mga dapat ingatan ay ang pagkalat nito. Nakahahawa ang diphtheria, lalo na kapag umubo o sa mga gamit na nahawakan ng kontaminado ng nasabing sakit.

Batay sa ulat, mula Enero hanggang Setyembre, nakapagtala na ng 167 kaso ng diphtheria sa bansa kung saan 40 ang nasawi.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na patuloy ang kanilang pagtutok sa mga biktima ng diphtheria at magsasagawa rin ng

imbestigasyon kung ano ang rason sa pagdami ng kaso ng nasabing sakit.

Maaaring isa sa mga dahilan ay ang mababang immunization coverage. Hindi maitatangging may mga natatakot pa rin o nahihirapang magtiwalang muli sa bakuna dahil sa kontrobersiyal na dengue vaccine.

Gayunman, paano kung ang sakit na nakamamatay tulad ng diphtheria ay puwede naman palang maiwasan kung napabakunahan lang sana ang anak?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page