top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

12 sa 1st Leg Juvenile Fillies and Colts

Ding Taboy
Sep 27, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

Hahataw ang 12 mananakbo sa darating na Oktubre 6 ang 2019 Philracom 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race sa Saddle and Clubs Leisure Park Naic, Cavite. Ang mga kalahok ay pangungunahan ng Batang Evalom, Blazing Bullet, Excellence Bulwagan, Exponential, Kawhi, Lucky Saving, Make Some Noise, Noon Bell,Our Secret, Prime Time Magic at Union Bell.

Sinabi ng Philracom, ang mga kalahok na magdadala ng bigat na 52 kilos ay ang babae at 54 kilos kapag lalaki.

May nakalaang papremyo P1,000,000 na hahatiin sa apat na unang makararating sa finish line. Tatanggap ng P600,000 na premyo ang tatanghaling kampeon habang may P225,000 ang 2nd, mapupunta ang P125,000 sa 3rd, habang may P50,000 ang 4th place. Samantala, sa susunod na linggo Okt.13 hahataw ang 2019 Philracom 4 Year Old and Above Local Stakes Race sa Metro Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Maglalaban ang mga kalahok na Hiway One, Metamorphosis, Pangalusian Island, Scarborough Shoal, Summer Romance at Victorious Colt. May P300,000 ang magkakampeon, may P112,500 ang 2nd place, may P62,500 ang 3rd at may P25,000 ang 4th place.Samantala 7 karera ang bibitiwan ngayong hapon sa condition race sa Metro Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar.

Sa Race 1 unang maghaharap at tatawid sa 400 meters ang mga kalahok na sina Miss Thrifty, Batang Novaliches, Resilient Creed, Jersy Crown at Union Run samantala sa Race 2 ipinapatok ang couple entry na Patong Patong at Lady Zip.

Sa Race 3, mag-uumpisa ang Pick 5, tatlo ang napipisil na kabayo na puwedeng pagkatiwalaan ang Wiling Willie, Rico Mambo at Rafa at sa Race 4 na simula ng pick 4 ay pinapatok ang Daginding na maaaring talunin ng Señorita Mariz at Crystal creek. Tips ni Mang Ding: Race 1- Miss Thrifty (1) Resilient Creed (6) Race 2- entry no.5 Race 3- Wiling Willie (2) Rico Mambo (6) Race 4- Daginding (6) Crystal Creed (1) Race 5- Musiko (8) Shining Courage (2)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page