The Voice coaches, kaya binalikan… 11-anyos na inayawan noon nina Sarah, Bamboo at Lea sa aud
- Mercy Lejarde
- Sep 26, 2019
- 1 min read

Naalala ni Lea Salonga na sumali na nu’ng year 2016 sa The Voice Kids si Cyd Pangca pero hindi nakapasa sa blind audition.

Dahil dito, ayon na rin sa 11-year-old na bagets ay na-bully siya ng kanyang mga classmates sa iskul, pero ginawa niyang motivation ‘yun para muling sumali sa The Voice Kids.
At nu’ng last Sabado night ng The Voice Kids 4 ay muli itong sumali sa blind audition with his rendition of Pangarap na Bituin and whoaaahh, halos sabay-sabay na pinaikot nina Lea, Bamboo at Sarah ang kani-kanilang chairs na tipong that night ay pasadung-pasado sa kanila si Cyd.
Nalaman ng tatlong TVK4 coaches na na-bully nga si Cyd kaya ang sabi ni Coach Sarah Geronimo, “At least, hindi ka nagpatalo sa mga sinasabi nila sa iyo.
Congratulations! Kaya ako, hanga sa iyo, Cyd, hindi mo hinayaan na ‘yung pagkabigo mo, malugmok ka.
Hanga ako sa attitude mo, Cyd, na hindi ka nagpatalo sa mga sinasabi nila, sa pambu-bully nila sa iyo.”
“Naniniwala ako sa second chances, eh. So let me give the chance (to be at his team)…let me fight for you,” sey naman ni Coach Bamboo.
At si Coach Lea, sabi kay Cyd, “Na-realize ba nila kung gaano kahirap ang makapasok, just to stand there, ang hirap. To get even one of us to turn, ang hirap.”
Well, kunsabagay, may point si Coach Lea, ha!
Ang ending…Pangca was the second addition to Salonga’s team that Sabado night, with the other kiddo contestant Rhaizen Rosales na umawit ng Ang Buhay Ko.




Comments