Tama naman, 'di sila umalis agad… Young showbiz couple, 'di nakatanggi sa manager ng resto n
- Nitz Miralles
- Sep 26, 2019
- 1 min read

BLIND ITEM:
Pumapayag na palang makunan ng picture na magkasama ang young showbiz couple na matagal nang may relasyon.
Ibig kayang sabihin nito, aaminin na nila ang kanilang relasyon? In the past, kahit magkasama, hindi nagpapakuha ng litrato ang young showbiz couple na magkasama.
Puwede silang kunan ng litrato, pero hiwalay o kaya’y ang isa sa kanila ang kasama ng fan. Makunan man na magkasama, blurred ang photos o kaya, long shot.
But this time, hindi siguro mapahindian ng dalawa na ang owner o manager na ng resto ang nag-request na makasama sila sa picture.
Hindi rin siguro napakiusapan ng dalawa na ‘wag i-post ang picture nila dahil naka-post ‘yun sa socmed account ng resto at nag-thank you pa ang manager dahil kumain sila ru’n.




Comments