top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Setyem­bre 26, 2019 (Huwebes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Sep 26, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 26, 2019 (Huwebes): Hindi mapipigilan ang iyong pangingibang-bayan dahil nasa malalayong lugar ang iyong magagandang kapalaran..

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka, matatanaw mo ang mga dapat gawin kung pag-aaralan mo nang malayuan ang sitwasyon mo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-20-24-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling lalabas ang malakas mong kutob. Hindi ka darayain tulad ng pandaraya sa iyo ng tao na inaasahan mong magiging tapat sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-17-29-35-38-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na mabilis mong babaguhin ang mga pasya mo. Ito ay babala na malalaman mo kung saan ang pagbabago ng pasya ay hindi maganda. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-19-25-28-35-37.

CANCER (June 21-July 22) - Ikaw mismo ang magugulat sa iyong sarili dahil ang akala mong walang solusyon ang problema mo ay mali. May maiisip kang magandang ideya na lulutas sa iyong mga suliranin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-23-32-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Manahimik ka. Ito ay dahil nagsisimula nang gumanda ang takbo ng iyong buhay. Sa pananahimik, mapabibilis ang dating ng malalaking suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-20-24-35-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalawak ang pang-unawa mo. Dahil dito, lalawak din ang mundong iyong ginagalawan at ang masaganang buhay ang nag-aabang sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-29-30-33-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil kung gugustuhin mong mandaya ng iyong kapwa, magagawa mo ito. Bilang katuwaan, dayain mo ang pinakamalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-28-31-37-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nakakatakot ang panakot ng ibon. Gayundin, hindi nakakatakot na labas-pasok sa isipan mo ang akala mong maaagrabiyado ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-19-25-32-33-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napansin mo ba na nagbabago ang ihip ng hangin kung saan nagsisimula nang sumaya ang paligid? Hindi ka maiiwanan ng takbo ng panahon at makararanas ka ng masasayang pangyayari. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-21-25-34-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mag-alala sa mga araw na darating. Magkakatotoo ang mensahe na nakaaloob na masayang kumakain ang mga ibon kahit hindi sila ang nagtatanim. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-18-27-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pasasayahin ka ng mga nasa malayo. Pasasayahin ka rin ng nasa malalapit dahil ang sariling mundo mo ay umiikot lang sa saya at tuwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-20-24-25-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at sa mga araw pang darating. Kakaiba ang mga suwerte mo dahil hindi para sa iyo ang biglang mapasasakamay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-14-29-30-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page