GM Antonio, babalikatin ang 30th PHL SEAG chess
- Eddie M. Paez Jr.
- Sep 26, 2019
- 1 min read

Patuloy ang magandang paghahanda ni 13-time Philippine chess king at Grandmaster Rogelio Antonio Jr. para sa nalalapit na Southeast Asian Games kung saan tatayong punong-abala ang bansa bago matapos ang kasalukuyang taon,
Dalawang torneo kamakailan ay nagwakas at parehong nasa unahan ng pulutong ang batikang chess warrior ng Pilipinas.
Sa katatapos na 2019 Iligan Diyandi Open Chess Tournament, naging co-champion ang 57-taong-gulang na si Antonio pagkatapos ng siyam na rounds ng bakbakan sa standard chess.
Bukod dito, kasama rin si Antonio apat na kataong grupo na nanguna sa 2019 Lifecore Enterprises Open FIDE Rated Rapid Chess Tournament sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Nakuntento lang siya sa pagiging bridesmaid dahil sa mas mataas ang tiebreak points na naisumite ni FIDE Master Nelson Mariano II pero nakaungos siya sa mga binatilyong sina Michael Concio Jr. at FM Mark Jay Bacojo.
Tutulak si Antonio ngayong Nobyembre sa Romania para makipagtagisan ng husay sa World Seniors Chess Championships.
Noong 2017, nasikwat niya ang pilak sa prestihiyosong kompetisyon. Samantala, tinanghal na hari si National Master Noel Dela Cruz, topseed at may rating na 2270, sa Metropolitan Chess Club Standard Open Chess Tournament.
Ang kanyang halos walang mantsang kartada na limang panalo at dalawang tabla ang naging aromas ng 42-anyos na woodpusher paakyat sa trono pagkatapos ng pitong rounds.





Comments