Shanghai noon at forest cover

Aalagwa ngayong hapon ang Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Saddle and Clubs Leisure Park, sa Naic, Cavite.
Sa nabanggit na karera paglalabanan ang Condition Race Merged (10), 2 Year Maiden Race, Group Race (11) Condition Race.
Kasabay nito magaganap ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng trifecta, quartet, pentafecta at super six.
Unang magaganap sa Race 1, simula ng WTA at pinapaboran ang Shanghai Noon kontra Forest Cover sa isama na sa paratingan sa trifecta, quartet, pentafecta at super six ang Boni Avenue, The Accountant, couple entry Stella Malone at Runawayfromrosenot.
Sa Race 2, nakalalamang ang Union Bell at makakalaban ang Blazing Bullet at Kawhi umpisa ng Pick 6.
Sa Race 3, magsisimula ang Pick 5 at paglalabanan ng The Believer, Rockaway, Viva Forever at Classic Gee.
Sa Race 4, ipinapatok ang Taipan One habang magsisilbing kalaban ang Expensive at Halo Depius.
Sa Race 5, nakasisiguro ang Tidal habang ang Halo Wander ang makakalaban ng mahigpit.
Pinapaboran ang Lady Pio, habang ang Johnny Be Good ang tatalo. Isama sa trifecta, quartet at pentafecta ang Standout, Oceanside at Show Off.
Maganda ang laban sa condition Race 16 sa pagitan ng Couple Entry na Ultimate Royale at Magnificent Seven kontra Gil’s Magic at ipoposte sa trifecta, quartet, pentafecta at super six.
Tips ni Mang Ding: Race 1- Shanghai Noon (1) Forest Cover (9) Race 2-Union Bell (3) Kawhi (4) Race 3- The Believer (1) Rockaway (5) Race 4- Taipan One (6) Expensive (2) Race 5-Tidal Wave (1) Halo Wander (5) Race 6-Lady Pio (6) Johnny Be Good (4) Race 7- entry no. 5 Gil’s Magic (8) WTA (1-7) 1-9/3-4/1-5/6/1-5/6-4/5-8/ Pick 6 (2-7) 3-4/1-5/6/1-5/6-4/5-8/ Pick 5 (3-7) 1-5/6/1-5/6-4/5-8/ Pick 4 (4-7) 6/1-5/6-4/5-8.





Comments