top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Setyem­bre 25, 2019 (Miyerkules)

Maestro Honorio Ong
Sep 25, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Setyem­bre 25, 2019 (Miyerkules): Ki­kilos ang iyong kapala­ran para sa ikagaganda ng iyong buhay. Maaaring la­bag ito sa loob mo pero, ito ang makabubuti para sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikislap ang iyong paligid dahil ikaw ay makikitang inspirado nga­yon. Ituloy mo ang iyong ambisyon dahil kapag may inspirasyon ang tao, kahit anong hirap ay hindi niya iindahin. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-30-34-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susuwertehin ka, mas mala­laki at mara­mi ang magiging suwerte mo kapag nagawa mong bale­wa­lain ang mga naninira sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-red. Tips sa lotto-14-17-20-21-25-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Dagdagan ang kulang at ba­wasan mo ang sobra. Kulang ka sa pagi­ging seryoso pero, nasob­ra­han ka sa saya. Muli, ang payo para sa iyo ay dag­da­gan mo ang kulang at ba­wasan ang sobra. Ma­su­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-16-25-28-36-37-38.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong labanan ang iyong damda­min. Ang kaligayahan ay hindi idinidikta ng isip da­hil ito ay bunga ng pinala­yang damdamin. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-23-30-31-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Naka­tutuwa ang ka­palaran mo dahil sa mata­mis nakasakay ang mga suwerte mo. Hindi sa pag­kain dahil baka ikaw ay magkasakit. Ito ay nasa matatamis na ngiti mula sa iyong mga labi. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-18-24-26-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paano mo la­labanan ang pagiging ma­hi­yain mo? Lumapit ka sa kursunada mo. Sana­yin mo na palagi kang ma­lapit sa mga puwe­deng panggalingan ng ma­ga­gandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-16-19-29-38-42-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo nang mahig­pit ang nasa iyo na. Kapag ginawa ito ng tao, pararamihin ng langit ang hawak niyang kabuhayan. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-4-11-17-20-24-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung na­saan ang saya, roon ka! Sim­pleng pormula ito para suwertehin ang tao. Mas madaling gawin ito kaysa kung anu-anong naiisip mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-22-25-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sarili mo ang iyong ka­ligayahan. Ya­yayain ka na magsaya ka­hit maraming mahahala­gang bagay ang kailangan mong gawin. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-1-17-21-23-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatag ng kalooban ang panlaban mo sa mga tukso. Magpakatatag ka higit kailanman dahil sa mga araw na ito, ang mga tuk­so ay magpapa­ba­lik-balik sa harapan mo. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lot­to-5-14-16-24-26-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka iiwanan ng saya hang­gang sa masobrahan ka. Ang ma­gagandang kapa­laran ay magdarati­ngan at ang puso mo ay maka­raramdam ng kagala­kan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng ku­lay-black. Tips sa lotto-18-20-26-27-36-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Madaragdagan ang mga taga­hanga mo at mababawasan ang iyong mga kaaway dahil sila ang mapabibilang sa hanay ng iyong mga tagahanga. Ito ang malinaw na sinasabi ng kapalaran mo. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-21-23-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page