BF, ginastusan nang husto, naghiwalay din… Myrtle, todo-hinayang nang mauntog sa pagiging sugar momm
- Nitz Miralles
- Sep 25, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Kung sa male cast, si Jerome Ponce ang pasabog ang role sa Regal Entertainment movie na Ang Henerasyong Sumuko sa Love, sa female cast, si Myrtle Sarrosa ang may mga pasabog sa eksena. Bukod sa kissing scene, may two bed scenes pa sila ni Albie Casiño.
So, how was the experience?
“Okay naman at pareho kami ng gusto ni Albie na mapaganda ang pelikula at magawa namin ang gustong eksena ni Direk Jason (Paul Laxamana). Dalawang takes ang kissing scenes na one take each lang. First love scene ko ito at kaya ko ginawa para ipakitang ready na ako for more mature roles, na hindi ko nili-limit ang sarili ko sa pa-sweet role. The movie is about adulting, and I’m 24 years old, kailangang sumabay ang age ko sa tema ng movie.”
Pumirma ng five-picture contract sa Regal Films si Myrtle, kaya may susunod pa siyang pelikula and she’s looking forward sa roles na gagampanan in her next movie.
Samantala, walang nagawa si Myrtle kundi mag-agree na naging sugar mommy siya sa relasyon sa isang gamer. Para ma-please ang ex-BF, ibinigay daw niya ang mga gusto nito at ang pinaka-max, ibinili niya ng worth P25,000 item sa Ragnarok. Nang mag-break sila, saka siya nanghinayang sa mga nagastos niya sa guy at sana raw, sa sarili na lang niya ginastos.
Anyway, sa October 2 na ang showing ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love na trailer pa lang, nagustuhan na ng mga tao dahil sa unang labas nito, umabot ng 9M views at 90,000 shares sa Facebook. Ang daming millennial ang makaka-relate sa pelikula at magugustuhan nila ang bagong project ni Direk Jason.





Comments