top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Balik-tambalan sa movie… Piolo, inuna si Claudine kesa kay Juday

  • Melba Llanera
  • Sep 25, 2019
  • 1 min read

Sa meet and greet ni Piolo Pascual bilang Mega Sardines ambassador sa Robinsons Galleria nu’ng nakaraang Biyernes, nagpahayag ng excitement ang aktor dahil tuluy-tuloy na ang balik-tambalan nila ni Claudine Barretto.

Sa ilalim ng direksiyon ni Direk Cathy Garcia-Molina, ito ang magsisil­bing reunion movie ng dalawa labing limang taon na ang nakararaan pagka­tapos nilang gawin ang pelikulang Milan.

Ayon nga kay Piolo, nag-grow na sila ni Clau­dine bi­lang mga artista at bi­lang mga tao at sa kata­yuan nila sa buhay ngayon ay mas ma­lalim na mga karakter na ang kaya ni­lang gampanan.

Bukod kay Claudine, ma­rami rin sa mga taga­hanga ng Juday-Piolo love team ang nagtatanong kung kailan daw kaya magkakaroon ng reunion movie ang aktor at si Judy Ann Santos.

Pahayag ng Kapa­milya actor, alam naman ng lahat na bukas siya na gu­mawa uli sila ng peli­kula ni Juday at sana ay ‘di pa sila mga lolo at lola bago mangyari ito.

Proud at masaya na­man si Piolo sa magandang feedback ng mga mano­nood sa pelikula ni­lang I’m Ellenya L. na pinagbidahan ng anak niyang si Iñigo at ng ka-love team nitong si Maris Racal.

Ikinataba ng puso ng aktor ang magagandang feedback at reviews sa pelikula na pinalad na mapasali sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page