top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nag-duet pa sa mismong anniversary… Kc, tuwang-tuwa na together again sina Sharon at Gabby

Nitz Miralles
Sep 24, 2019
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Nagdiriwang ang ShaGab fans nina Sharon Cuneta at Gabby Con­cepcion dahil feeling nila, matu­tuloy na ang reunion movie ng da­lawa dahil sa nangyari sa Gabay Guro last Sunday. Nagkasama na sa event, si Sharon pa ang nag-introduce kay Gabby sa mga teachers na dumalo. Bukod do­on, nag-duet din sina Sharon at Gabby ng Come What May na theme song nila noong sila pa.

Sumabog ang MOA sa ingay ng mga teachers na for sure, marami ang fans ng dalawa.

Ang sayang basahin ng mga comments sa socmed ng mga masasayang ShaGab fans at nagpapasalamat na di­ninig ang dasal nila na magkabati na ang dalawa.

Sa sobrang tuwa ng mga fans, binati nila ng “Happy Wedding Anniversary” sina Sharon at Gabby na ikinasal noong Sep­tember 23, 1984. Kinalimutan ng mga fans na matagal nang hiwalay ang da­lawa at parehong may asawa’t mga anak na.

In-announce ni Sharon ang nang­yari sa Gabay Guro sa Insta­gram (IG), panoorin daw sa FB ng Gabay Guro.

Ni-like ni KC Concepcion ang video post ni Mario Dumaual sa IG habang nagdu-duet ang dala­wa. May fans na naging emotional sa ginawa ni KC.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page