top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Estudyanteng binu-bully ng mga kaklaseng rich kid

Roma Amor
Sep 24, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Crystal at wor­king student. Nagdo-dorm ako rito sa Maynila para makapag-aral dahil ang mga magulang ko ay nasa probinsiya. Puro rich kid ang mga kaklase ko at ma­dalas, pinagtatawanan at nilalait-lait nila ako. Ma­sakit para sa akin ang ga­ni­to kaya gusto kong hu­mi­ngi ng payo kung ano ang dapat kong gawin para matapos na ang pa­ngungutya nila sa akin? Minsan, gusto ko nang gu­manti sa kanila para ma-realize nila na nakaka­sakit sila. Tama ba ‘yun? — Crystal

Crystal,

Sadyang mahirap ma­punta sa lugar na hindi ka kayang tanggapin ng mga taong nakasasalamuha mo, gayundin, hindi madaling i-handle ang pambu-bully at pangungutya ng ibang tao. Ngunit, magtiwala ka sa sa­rili mo at huwag kang mag­paapekto sa masasakit na salita nila. Sabi nila, kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Hindi ka mag­kakaroon ng kapanata­gan sa buhay kung gagawin mo rin ang mga ginawa nila sa‘yo. Maging matatag ka at magpakatotoo. Kung hin­di mo na ma-take at kung kaya mo namang lumipat na lang sa ibang paaralan, ma­ipapayo naming umiwas ka na lang. Baka sa ganu’ng paraan, maging maayos ang buhay-estudyante mo, ‘di ba? Huwag kang susuko at palagi mong isaisip na ang inaapi ay mas pinagpa­pala. God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page