top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Phlarchery team, palaban, nakahanda sa Sea games

Gerard Arce
Sep 23, 2019
2 min read

Sinapol ng Philippine Archery National Team ang limang medalya sa nakalipas na 2019 Asia Cup stage 3 nitong Set. 8-15 sa Clark City sa Pampanga na nagsilbi ring test event ng Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa simula Nob. 30-Dis 11 sa iba’t ibang panig sa Luzon.

Tinamaan ng national team ang apat na silver at 1 bronze medal sa pangunguna nina 2017 Kuala Lumpur Games bronze medalist Paul Marton Dela Cruz, 2000 Summer Olympics competitor at SEA Games gold medal winner Jennifer Dy Chan at new-sensation Andrea Robles.

Kinapos si Dela Cruz sa men’s compound individual event ng makuha ni Mohd Juwaidi Mazuki ng Malaysia ang gintong medalya habang napunta kay Syahrizan Jafar ng Malaysia ang bronze medal. Bigo sa tagpong ito sina Andei Johan Olano sa 9th place at Arnold Rojas at Roberto Badiola na tumapos sa 17th place.

Sa parehong event sa women’s compound, pilak din ang naiuwi ni Robles nang daigin ni Iman Aisyah Norazam ng Malaysia sa gold medal habang nabitbit ni Nurul Syazhera Mohd Asmi ng Malaysia ang tansong medalya. Hindi naman umabot sa medal tally si Rachelle Ann Dela Cruz ng tumapos ito sa pang-4th place samantalang sina Chan at Abbigail Tindugan ay nasa 9th place.

Kinuha rin ng pambansang manunudla ang dalawa pang silver medal sa grupo nina Rojas, Dela cruz, Andrei Johan Olano at Roberto Badiola nang talunin sila ng Australia sa compound men habang ang mixed compound ay natalo sa Malaysia. Napunta ang bronze medal sa compound men sa Malaysia at compound mixed sa Chinese Taipei.

Tinarget ng koponang binubuo nina Robles, Chan, Dela Cruz at Tindugan ang bronze medal sa compound women nang talunin sila ng samahan ng Malaysia at Chinese Taipei para sa gold at silver, ayon sa pagkakasunod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page