Marcial, kuntento na sa tanso sa Aiba World Boxing C'Ships

Kinapos ang Filipino boxer na si Eumir Marcial laban sa hometown fighter upang makuntento lang sa silver medal finish sa kanilang sagupaan sa finals ng middleweight bout sa 2019 AIBA World Boxing Championship sa Expo Arena sa Yekaterinburg sa Russia.
Hindi nakakuha ng puntos sa judges ang 23-anyos na tubong Zamboanga City kontra sa Rusong si Gleb Bakshi, 0-5 sa bisa ng unanimous decision na 28-29, 28-29, 27-29, 27-29 at 28-29. Napunta kina Hebert Da Conceicao Sousa ng Brazil at Tursynbay Kulakhmet ng Kazakhstan ang tig-isang bronze medal. Naging malaking agwat ng Russian fighter ang pagpapatumba kay Marcial sa 2nd round mula sa isang kaliwang suntok upang matamo ang kauna-unahang world championship.
Bago ito nauna munang dinomina ng 2018 Jakarta-Palembang Asian Games bronze medalist si Kulakhmet sa semis match sa 75kgs sa bisa ng 5-0 win. Ang 2011 Astana World Youth Champion ay naging ika-3 Filipino na nagwagi ng silver medal sa World Championship sa hilera nina Light-flyweight Roel Velasco noong 1997 at Harry Tañamor noong 2007.
Motibasyon ang panalong ito para kay Marcial upang muling masubukang makuha ang ikatlong sunod na gold medal sa 30th edisyon ng Southeast Asian Games na magbubukas simula Nob. 30- Dis. 11 sa bansa matapos ang impresibong panalo noong 2015 Singapore at 2017 Kuala Lumpur meet.
Pamumunuan ni Marcial ang koponan sa biennial meet sa Dis.2-7 sa PICC) Forum kasama ang Kickboxing na sisipa sa Dis. 7-10. Nakasama ni Marcial sa World Championship sina light flyweight (49kgs) Carlo Paalam, Featherweight Ian Clark Bautista (57kgs), Light welterweight James Palicte (63kgs) at Light Heavyweight John Nobel Marvin (81kgs). Sina Ronald Chaves at Roel Velasco ang coaches.





Comments