Kung noong August, Ghost Month… Mga negosyante, susuwertehin na ngayong September
- BULGAR

- Sep 23, 2019
- 1 min read
Bigyang-daan natin ang mahahalagang kaalaman na nakalakip sa tinatawag na September Equinox.
May isang pinakasikat na katotohanan na ibinahagi ni Haring Solomon sa tao. Ito ay ang kanyang sinabi na may kani-kanyang takdang panahon ang lahat ng bagay sa mundo.
Sabi niya, “may panahon ng lungkot at pagsasaya.” Binigyang-diin ni Haring Solomon na ang paghihirap ay natatapos at masusundan ng kasaganahan.
Pinag-aralan ng mga eksperto ang nakasulat sa aklat ni Haring Solomon na Ecclesiastes at lahat ay nagkakaisa kung saan si Haring Solomon ay higit na matalino kaysa sa lahat ng tao.
Ang totoo, si God ang nagdikta na walang lilitaw sa hanay ng mga tao na mas magaling kaysa kay Haring Solomon. Ang makataas-kilay na sinabing ito ni God ay napatunayan sa kasaysayan ng mundo dahil totoo na may kani-kanyang takdang panahon ang lahat.
Kung pangungunahan natin ang mga nagsisiyasat kung nagsasabi ng totoo si Haring Solomon, kokonsumo tayo ng maraming oras at mga araw. Pero, may paraan para maobserbahan natin ang galaw ng mundo.
Magaganap ngayong buwan ang pinag-uusapan nating equinox na kasunod ng Ghost Month o Buwan ng Kawit-Palakol na naganap noong Agosto.
Ang kawit-palakol ay tumutukoy sa napakahirap na sitwasyon sa buhay ng tao at mga negosyo kung saan ang mga negosyanteng walang paghahanda sa Buwan ng Kawit-Palakol ay nakitang bumagsak, nalugi at tuluyang nagsara.
Pero ngayong magaganap na ang September Equinox, makikitang gumaganda na ulit ang buhay at mga negosyo.
Nagkataon lang kaya ang katotohanang ito o sadyang tama si Haring Solomon na pagkatapos ng hirap ay may kasunod na ginhawa?
Mukhang hindi nagsisinungaling si God na Kanyang idineklara na si Haring Solomon ang pinakamarunong.
(Itutuloy)




Comments