Guro Naming Mahal Ni: Lumer Caparosso


Sa Oktubre ngayong taon, tayo’y may babatiin.
Mga butihing tao, katapatan inialay para sa atin.
Utang po namin sa inyo, ang talino n'yo para sa amin.
Maraming salamat sa inyo, mga gurong butihin.
Marami po kaming itatawag sa inyo,
Sir Superman at Ms. Wonderwoman, puwede po.
Mga bagong bayani, kahit kami’y loko-loko.
Eh, tapagligtas ng mga bobo, okay lang po?
Maraming salamat po, sa pasensiya na ibinuwis ninyo,
Maraming salamat po, sa talinong inialay ninyo,
Maraming salamat po, sa oras na inilaan ninyo.
Ito lang po para sa amin, mahal po namin kayo nang todo.
Dahil po sa inyo, natuto kaming tumayo,
dahil po sa inyo, natuto kaming mamulat,
dahil po sa inyo, natuto kaming mamuhay,
dahil po sa inyo, natuto kaming makibuhay,
at dahil po sa inyo, natuto kami na maging tao.
Kahit po sa tula, sana’y maintindihan n’yo,
kahit po sa salita, sana maramdaman n’yo,
at kahit po sa gawa, sana mapansin n’yo.
Ang konsiderasyon at pagmamahal po namin sa inyo.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments