'Di makatiis na 'di makita ang aktor… Andrea, ipinagsigawang atat na atat nang yakapin si De
- BULGAR

- Sep 23, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Final week na ng The Better Wowan nina Derek Ramsay at Andrea Torres at siguradong magiging masaya ang mga sumubaybay sa istorya nina Jasmine (Andrea) at Andrew (Derek) sa magiging ending ng teleserye nila sa GMA-7 kung saan magkakabalikan ang tunay na mag-asawa at makukulong ang kakambal ni Jasmine na si Juliet (Andrea pa rin).
Pero, kahit in real life, pinakilig nina Derek at Andrea ang kanilang mga fans, dahil nang mag-post si Andrea na may hawak na malaking stuffed toy at may caption na: “So tempted to get the giant #ChinChin,” nag-comment si Derek ng “Cute naman... ‘yung nasa likod.”
Sa comment na ‘yun ni Derek, marami na ang kinilig. Pero mas dumami pa ang kinilig nang sumagot si Andrea ng, “@ramsayderek07 can’t wait to see you. I need na my hugs. 1 every hour you’re away.”
Sayang lang at hindi sumagot si Derek sa paglalambing ni Andrea. Mas doble sana ang kilig ng mga shippers nila kung sinagot nito si Andrea.
Dahil sa convo ng dalawa, curious ang mga shippers nila kung may relasyon na sina Derek at Andrea, lalo na sa sinabi ng seksing aktres na may utang na hugs sa kanya si Derek. Ibig daw bang sabihin nito, laging nagyayakapan ang dalawa?
In fairness, walang bashers sa post na ito ni Andrea at sa comment ni Derek. Napagod na siguro o natakot na barahin sila ni Derek na sinasagot ang mga bastos at sumosobrang bashers.





Comments