top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Skateboarder Didal, entra sa Q’Finals ng World C’Ships

Gerard Arce
Sep 22, 2019
1 min read

Umabante sa semifinal round si 2018 Asian Games gold medalist skater Margielyn Didal sa 2019 SLS World Street Skateboarding Championships sa Sao Paulo sa Brazil at manatili pang buhay ang tsansa nitong makakuha ng slot para sa 2020 Tokyo Olympics sa susunod na taon.Nakamit ng 20-anyos na tubong Cebu City ang 8th place sa q’finals sa pamamagitan ng 11.1 points na sinimulan noong Set. 19 hanggang 22. Tutuloy ang 20 iba pa sa semifinal round kasama ng apat pang top ranked sa 2019 season ngayong weekend.

Nanguna sa quarterfinal round sina Aori Nishimura ng Japan na may 18.6 puntos, habang sumunod sina Candy Jacobs (17.0) at Roos Zwetsloot (15.2) ng Netherlands, Yumeka Oda ng Japan (14.6) at Wenhui Zeng ng China ((13.0) sa kompetisyong nilahukan ng 40 iba’t ibang bansa. Kinakailangang mas mapataas pa ng Pinay Skateboarder ang posisyon at puntos sa world ranking matapos bumaba mula sa ika-10 hanggang 13th place na lamang sa inilabas ng World Skate para sa Olympic World Skateboarding Ranking (OWSR) para sa street women’s division noong Setyembre.

May nakalaang 60,000 points ang makukuha ng magkakampeon sa SLS World Championships na paniguradong mag-aakyat ng malaki sa puwesto ng Cebuana native kung sakaling mapanalunan niya ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page