Natsuging co-host sa Wowowin… Super Tekla, gustong gamitin ang show ni Willie, 'di umubra
- BULGAR

- Sep 22, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Sa mediacon ng Backyard Productions movie na Kiko En Lala, nabanggit ni Super Tekla na wish niyang makapag-guest sa Wowowin ni Willie Revillame to promote his launching movie.
Kaya lang, taped episodes pala ang umeere dahil under renovation ang studio na ginagamit ni Willie for his show at sa September 30 pa siya magre-resume ng taping.
Samantala, bago ang regular showing ng Kiko en Lala, may premiere night ito sa SM Megamall at para mas masaya ang premiere night, may pa-contest si Super Tekla. Ang sinumang gagayahin ang outfit niya, i-post sa social media ang picture gamit ang #KikoEnLala at ang mananalo, invited sa premiere night at may cash prizes pa.
Kaya mag-effort na kayo, gayahin ang signature look ni Super Tekla, i-post sa socmed para maimbita sa premiere night at manalo ng cash. Baka nga makatabi n’yo pa si Super Tekla at ang ibang cast na manonood ng Kiko En Lala sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr..





Comments