Naka-jackpot sa Dos... Maymay, binilhan ng bahay sa Japan ang Madir, Lola at tricycle sa kamag-anak

Nakakatuwa naman na nabilhan na raw ni Maymay Entrata ng bahay ang kanyang ina sa Japan kung saan ito nakabase.
Ayon kay Maymay, 28 years na sa Japan ang mommy niya at nagre-rent pa rin daw ito ng bahay.
“Sobrang mahal po kasi ng renta ru’n,” kuwento ni Maymay sa Magandang Buhay.
“Ngayon, naiiyak siya kasi may sariling bahay na siya,” sey pa ni Maymay.
Pati ang bunso niyang kapatid na kasama rin ng mommy niya sa Japan ay masaya raw kaya happy naman si Maymay na napasaya niya ang kanyang pamilya.
Nakakatuwa rin na nagpapatayo rin siya ng bahay para sa kanyang lola sa Camiguin na aniya ay patapos na. Bukod dito ay nakapagbigay din siya ng tricycle sa isang relative.
Hindi na kami nagtataka ngayon kung bakit sinuwerte si Maymay at patuloy na sinusuwerte. Ito ay dahil sa mabait siyang anak at kapatid.





Comments