top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Alaga at seguridad sa Atleta, tampok sa PHL Sports summit

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 22, 2019
1 min read

Nakasentro sa seguridad at pangangalaga sa career ng mga atleta ang mga isyu na tatalakayin sa kauna-unahang Philippine Pro­fessional Sports Summit na gaganapin sa Set. 24-25 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ayon kay GAB Chair­man Abraham ‘Baham’ Mitra, isang masiglang ‘inte­raction program’ ang inihan­da ng ahensiya, sa pakikipag­tulungan ng mga professional league, boxing promoters sa bansa at anti-doping agency para higit na maunawaan ng mga professional athletes ang mga kaganapan na ma­kaaapekto sa kanilang career.

“We invited the PBA, boxing matchmakers, and promoters. Ang sabong group pupunta and the Philippine Anti-Doping Agency (PHINADO) under Dr. Alejandro Pineda are coming. Maipapaliwanag nila sa mga atleta kung ano ang dapat gawin para maiwasan ‘yung mga subs­tances na ipinagbabawal ng WADA,” pahayag ni Mitra sa pagbisita sa 40th Usapang Sports ng Tabloids Organi­za­tion in Philippine Sports (TOPS) noong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

“Kasama rin sa topic ‘yung social media para matutunan ng mga atleta ang tamang approach para mas mapaganda ang kani­lang imahe at career,” aniya. Ikinatuwa ni Mitra na mula nang maging Chairman ng GAB, dumami ang mga sports na nagkaroon ng professional league. “From basketball to boxing, of course sabong and races andiyan kami. Pero ngayon nandyan na rin ang muay­thai, tennis, wrestling at MMA na nag-apply na maging pro. “Mas magan­da ito dahil masisiguro natin ang segu­ridad lalo na sa kalusugan ng mga atleta, dahil sa GAB tiyak naba­bantayan sila,” pahayag ni Mitra. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page