top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

World Teachers’ Day incentive benefit, aprub!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 21, 2019
  • 1 min read

Bilang pagtanaw at pagkilala sa pagsusumikap ng mga pampublikong guro, makatatanggap sila ng World Teachers’ Day Incentive Benefit.

Ito ang inilabas na pahayag ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa ahensiya, ang P1,000 insentibo ay ibibigay sa mga guro simula sa Oktubre 5.

Maipagkakaloob ang nasabing insentibo sa pamamagitan ng DepEd Special Provision No. 12 sa ilalim ng RA 11260.

Samantala, hindi naman mabibigyan ng insentibo ang mga guro na AWOL, retirado at ang mga naparusahan sa anumang pagkakasala na may kaugnayan sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Bagama’t, hindi matutumbasan ng anumang halaga ang pagiging guro, ang anumang paraan na makapagpapakita ng sila ay mahalaga, sa palagay natin ay malaking bagay na.

Alam nating ang kanilang dedikasyon at sakripisyo sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin ay hindi masusukat ng suweldo o pera, gayunman, sa anong paraan ba natin sila mapasasalamatan?

Simple lang, sila naman ang ating pagmasdan at pakinggan.

Tingnan natin kung paano sila nagpupursige na maitawid ang bawat klase.

Hindi nagpapakita ng pagod, walang reklamo sa mga kinakailangang pagbabago.

At pakinggan kung ano ang kanilang mga pangangailangan na hanggang sa huli, ang kapakanan pa rin ng mga estudyante ang iniintindi — dagdag-classroom, makakatuwang na guro at mga gamit sa eskuwelahan.

Muli, saludo tayo sa mga ‘tinawag’ na maging guro at tinanggap ito nang buung-buo.

Maraming salamat po. Araw-araw, World Teachers’Day!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page