Wanted na holdaper, arestado
- Pabs Hernandez III
- Sep 21, 2019
- 1 min read
NUEVA VIZCAYA — Naaresto ng pulisya ang wanted na holdaper kamakalawa sa Bgy. Banggot, Bambang.
Ang suspek ay nakilalang si Byron Lampa, nakatira sa nabanggit na barangay.
Base sa imbestigasyon, inaresto ng mga awtoridad si Lampa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery sanasabing lalawigan.
Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya si Lampa at nang may magbigay ng impormasyon sa kinaroroonan nito ay agad itong dinakip ng pulisya.
Kusa namang sumama si Lampa sa mga awtoridad nang arestuhin sa nasabing lugar.





Comments