Laban-bawi si Lomachenko kay Pacman sa catchweight

Binawi ni Top Rank boss Bob Arum ang kanyang mungkahing maaaring magtapat sa hinaharap sina unified lightweight champion Vasyl “Loma” Lomachenko ng Ukraine at 8-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao sa isang catchweight match.
Inamin ni Arum na malabo pa muna sa ngayong ipilit ang gusto ng mga boxing fans na pagsabungin ang Ukrainian slugger at Pambansang Kamao dahil masyado raw bentahe para sa huli kung maghaharap ito nang mas mataas sa 135-lbs category.
Potensiyal umano sana ang magiging salpukan ng dalawang kampeon lalo pa’t matindi ang pagnanais ni Lomachenko na umakyat ng weight category, ngunit malulugi umano ito kung aakyat ng sobra sa posisyon ni Pacquiao (62-7-2, 39 KOS).
Kahit pa man sumasabak sa 135 pounds division si Lomachenko (13-1, 10 KOs), ideal weight umano nito ang featherweight at mahihirapang magkasundo ang dalawang panig kahit umabot pa ito sa 140-lbs limit.
“On Lomachenkovs. Pacquiao, we can never say never. But I mean you don’t take a guy who’s 126-lbs and have him fight at 147 lbs against Pacquiao– or even a catchweight of 144-lbs,” pahayag ni Arum sa panayam ng World Boxing News. “You don’t do that because when he’s walking around (at 144). That’s the weight Loma is,” dagdag nito.





Comments