top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Zabala at Nerza, Lucena Milo marathon champion

  • A. Servinio
  • Sep 20, 2019
  • 1 min read

Nanaig sina MILO Marathon King Jerald Zaba­la at Janice Nerza sa pagta­tapos ng 2019 MILO Marathon Lucena City qualifying race noong Linggo sa SM City Lucena. Sasamahan nila ang 51 iba pang mana­nakbo na tutuloy sa National Finals sa darating na Enero 19, 2020 sa Tarlac.

Kahit mas madalas tu­mak­­bo sa karera ng MILO sa Mindanao, tinapos ni Zabala ang 21-km ruta sa oras na 1:14:55 at sinundan siya nina Gilbert Laido (1:15:12) at Marino Lagyap (1:16:­34). Umakyat bilang hari si Zabala matapos ang pagka­matay ni Rafael Poliquit noong Abril. Kung dikitan ang laban ng mga kalalaki­han, malayo ang agwat ni Nerza (1:38:42) kumpara sa pumangalawang si Rica Moreno (1:40:05) at puma­n­­gat­long si Edna Agoo (1:40:­19). Sinundan ni Ner­za ang tagumpay ng kanyang asa­wang si Anthony Nerza na kampeon sa 42-km ng MI­LO Marathon Metro Manila qualifying race noong Hulyo 28.

Ang iba pang nag-uwi ng karangalan sa araw na iyon ay sina Leonard Kilangat Kemboi ng Kenya (33:24) at JC Ann Bana (44:38) sa 10-km at Albert Valencia (16:44) at Mary Ann Cri­shelle Perez (22:05) sa 5-km. Wagirdin sina Ian Lla­re­­nas (10:48) at Mailene Princess Castro (14:08) sa 3-km para sa kaba­taang edad 12 pababa. Ang susunod at huling yugto ng serye sa Luzon ay gaganapin sa Linggo (Set. 22) sa Batan­gas City. Pagkata­pos nito, tutulak ang MILO Marathon patungo sa Visa­yas at Min­danao simula Set­yembre 29 sa Cebu at susun­dan ng mga karera sa Iloilo (Oktubre 6), General Santos (Oktubre 13), Davao (Oktu­bre 20) at Cagayan de Oro (Nob­yembre 17).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page