Olympic gold at hello gorgeous

Maganda ang karerang magaganap ngayon sa pagtahak ng Philracom Special Race No Bearing No Effect sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Kasabay nito magaganap ang Condition Race at Winner Take All (WTA),Pick 6, 5 at Pick 4. Sa Race 1, simula ang WTA, pinagpipilian ang Olympic Gold at Hello Gorgeous, isama ang Board Walk at Seni Seviyorum sa trifecta, quartet at pentafecta. Bibitiwan ang Philracom Special Race (no bearing-no effect ) sa Race 2 kasabay ng pick 6 at napapaboran ang Kingship laban sa mga kalaban na Most Trusted at Sky Hook. Magkakalaban sa Race 3 sa condition Race (16) ang Copy Cat, Love Affair at Inter State, kasabay ng pick 5 event.
Sa Race 4, ang Philracom Special Race at pinapaboran ang Umbrella Girl laban sa mga kalahok na Dragon Mucho Oro at Director’s Ledgold. Pinapaboran ang Boston Strong ngunit binibigyan ng malaking panalo ang couple entry na Big Big Brown at Spin Move at Daldalero sa Race 5.
Sa Race 6, ipinapatok ang Tabing Ilog at magsisilbing kalaban ang Pilya at Hula Discovery. Panolo ang Tidal Wave at puwedeng (2) isama sa trifecta, quartet at pentafecta ang Halo Wander, Juanchenzo’s Run, Hidden Moment at Princess Tin sa race 7. Tips ni Mang Ding: Race 1- Olympic Gold (4) Hello Gorgeous(6) Race 2- Kingship(3) Most Trusted (2) Race 3- Copy Cat (2) Love Affair(1) Race 4- Umbrella girl (5) Dragon Mucho Oro (1) Race 5- Entry No.3 Boston Strong (6) Race 6- Tabing Ilog (6) Pilya (2) Race 7- Tidal Wave (1) Juanchenzo’s Run (6) WTA (1-7) 4-6/3/2-1-4/5-1/3/6-2/1/ Pick 6(2-7) 3/2-1-4/5-1/3/6-2/1 Pick 5(3-7) 2-1-4/5-1/3/6-2/1/ Pick 4(4-7) 5-1/3/6-2/1





Comments