Miss U, kaya solo flight sa ABS-CBN Ball... Pia at Marlon, break na
- BULGAR

- Sep 20, 2019
- 1 min read

Free as a bird na nga ba uli ang Miss Universe na si Pia Wurtzbach kaya solo flight ang beauty nito sa nakaraang ABS-CBN Ball na ginanap last Saturday sa Shangri-La at the Fort?
Siyempre, dahil no escort si Pia that night, may ilan ang naghanap sa kanyang guwapong car racer papa na si Marlon Stockinger.
Ang siste, nang may magtanong daw kay Pia kung nasaan si Marlon, ang mukhang ‘di naman brokenhearted na sagot ng beauty queen, ‘di niya kailangan ng partner to be happy.
Eh, di wow!
Well, strong and independent woman naman si Pia kaya kung break na nga sila ni Marlon, for sure ay makaka-move on or baka nga naka-move on na siya.





Comments