top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lakas ng signal ng TNT, katropa, wagi sa Macao

MC / Alvin Olivar
Sep 20, 2019
1 min read

Umanot hanggang China ang lakas ng signal ng TNT KaTropa nang talunin ang Niigata Albirex BB ng Japan, 99-90 sa Terrific 12 ng East Asia Super League sa Macao, China.

Pinamunuan ni import KJ McDaniels ang kampanya ng TNT sa bisa ng 43 puntos niyang nagawa. Apat na puntos na nailayo ng TNT, 89-85 sa huling 3:10 minuto ng 4th quarter sa narekober na dunk shot ni McDaniels.

Tinabla ni JV Casiño sa 74-74 ang score sa 8:57 na natitira sa bisa ng lay-up at isang free throw. Iniangat ni RR Pogoy sa 79-77 ang huling 8 minuto ng 4th canto. Nagbagsak si Niigata import Perkins na may nasayang ang 33 puntos ang tres puntos para ipatas sa 82-82.

Iniwanan sa 63-67 ng Niigata ang TNT pagpasok ng 3rd quarter. Idinikit ni Vosotros sa 63-66 sa dalawang jumper, kasunod ng lay-up ni Pogoy, 71-72 sa pagtatapos ng ikatlong quarter. Idiniin ni Pogoy ang dalawang free throws para ipatas sa 38-38 na iskor sa nalalabing 3 minuto ng 2nd quarter, kasunod ng layup ni Vosotros, 42-41.

Lumamang na sa 36-35 ang Niigata sa bisa ng tres ni Yuki Ikeda sa natitirang 4:22 minuto ng 3rd quarter. Umalagwa agad sa 2nd quarter ang TNT KaTropa, 28-21 sa tikas nina Harvey Carey, Pogoy, Casiño at McDaniels, pero nakasingit si Nikahashi ng Niigata ng layup para sa 35-30 na iskor sa nalalabing 5:06 minuto.

Samantala, habang isinusulat ito ay nakatakdang magsagupa ang San Miguel Beermen at ang Ryukyu Golden Kings ng 7 p.m. at inaasahan nila ang ikalawang panalo kung saan una nilang dinale ang Shenzhen Aviators ng China, 90-76 noong Martes ng gabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page