top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bago ng aktor, ibang-iba raw sa mga ex-GFs... Kasalang Andrea-Derek next year, inaabangan na

Erlinda Rapadas
Sep 20, 2019
1 min read

Kung ang mga past relationships ni Derek Ramsay ay tumatagal lang ng 5 to 6 years, mukhang mapapaiba rito si Andrea Torres dahil may angat siyang katangian na wala sa mga ex-GFs noon ni Derek.

Maka-pamilya si Andrea. Siya ang tipong hindi nakikiagaw ng atensiyon at hindi naki­kipag­kumpitensiya sa pamilya ng kanyang boyfriend. At kahit wala pa silang inaamin ni Derek na label ng kanilang re­lasyon ngayon, still, ang kanilang body language na lang ang makakapagsabi kung ano ang nara­ram­daman nila sa isa’t isa.

Bago pa magtapos ang serye nilang The Better Woman ay napansin na ng buong production crew na may “something special” nang nagaganap sa dalawang bida. At masaya naman ang buong cast ng The Better Woman para kina Andrea at Derek.

Perfect match silang dalawa at mukhang mas lalalim pa ang kanilang nabuong relasyon. Marami nga ang nagsa­sabing kung ang naunang pakikipagrelasyon ni Derek kina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban at Joanne Villablanca ay tumagal lang ng 3 to 5 years, for sure ay hindi na raw pakakawalan pa ni Derek si Andrea at posibleng next year lang ay yayain na ng aktor na magpakasal ang sexy at morenang aktres. Pumayag naman kaya ang Kapuso actress na magpakasal, eh, maganda ang career niya ngayon?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page