top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Wilson, pumuntos ng 44 sa OT game; San Juan, Davao Occidental, wagi

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 19, 2019
2 min read

Pagdating sa kritikal na oras, kayang-kayang ayusin ito ng San Juan Knights at naasahan dito si John Wilson.

Sa ipinakita niyang husay, umiskor si Wilson para sa Knights ng huling 12 puntos pagdating sa overtime at nagtapos na may 44 puntos, bagong record para sa Maharlika Pilipinas Basketball League nang manaig sa Pampanga Giant Lanterns, 102-97 noong Martes ng gabi sa napunong manonood sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Nakapagkamada si Wilson, ang 2009 NCAA MVP ng Jose Rizal University Heavy Bombers ng lima sa siyam na two-point attempts at siyam na 17 tres puntos kasama ang pagsalpak ng lahat ng 7 free throws para palakasin ang Knights at pumalaot sa 13-1 record sa North Division ng Lakan Season.

Sinuportahan ni Skywalker Mike si Wilson kasama ang 41 puntos ni Leomar Losentes ng General Santos Warriors sa bisa ng 24 puntos dagdag ang 12 rebounds kasunod ng 15 at 12 ni Jhonard Clarito.

Ang puwersahang overtime game ng Giant Lanterns sa 85 puntos kasunod ng layup ni John Dester Maiquez sa nalalabing 33 segundo ay nag-iwan sa kanila sa 9-5 marka.

Bumasket si Maiquez ng 24 puntos habang si Levi Hernan­dez, Reil Cervanes at Michael Juico ay pumoste ng tig-14 puntos.

Samantala, sa unang laro, pumalaot ang Davao Occidental Tigers sa 88-76 victory laban sa Bicol Volcanoes. Umiskor si Mark Yee ng 19 puntos at 11 rebounds para sa kanyang ika-29 na MPBL double-double record ang nagpaangat sa Tigers sa 12-2 card ng south division ng 31-team league.

Ang iba pang bumida na players sa Tigers ay sina Emman Calo na may 15 puntos, Bogs Raymundo na may 11 at Chester Saldua na may 10. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page