Philhealth, ginamit sa modus at raket, nagbabala!
- Thea Janica Teh
- Sep 19, 2019
- 1 min read
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Nagbabala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko tungkol sa pekeng Facebook page na "PhilHealth Updates Online" na nanghihikayat na ”i-like” at ”i-share” ang nasabing page para makasali sa raffle promo na “libreng pabahay” kaugnay sa anibersaryo ng PhilHealth sa susunod na taon. Matapos umaksiyon at dumulog ang PhilHealth sa Facebook Philippines ay tinanggal agad ang nasabing post at re-shared posts nito.
Bukod sa pekeng raffle promo, nagbabala rin ang PhilHealth laban sa isa pang FB page ng nagngangalang Efeiram Oicatse na may Facebook page na "PhilHealth Registration Online” na nag-aalok ng tulong para mapabilis ang pagpoproseso ng PhilHealth membership at makakuha ng PhilHealth ID kapalit ng P170 na dapat bayaran sa kilalang convenient store.
Ayon sa PhilHealth, wala silang pabahay raffle promo at walang sinuman ang binibigyan ng awtorisasyon na mag-solicit o manghingi ng bayad kapalit ang pagpapamiyembro sa PhilHealth. Hinihikayat ang lahat na huwag agad magtiwala sa mga ganitong modus at mag-ingat sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon upang maiwasang mabiktima ng pandaraya.
Pinaaalalahanan ng PhilHealth ang lahat na libre ang pagpaparehistro at ito ay maaaring gawin sa mga Local Health Insurance Office o Express Counters sa buong bansa. Sakaling may na-monitor na ganitong uri ng iregularidad ay maaaring ipagbigay-alam agad sa alinmang opisina ng PhilHealth, Facebook “PhilHealth official”; mag-email sa actioncenter @philhealth. gov.ph o itawag sa (02) 441-7442.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments