top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Natutulog na magsasaka nirapido

Pabs Hernandez III
Sep 19, 2019
1 min read

North Cotabato—Isang natutulog na magsasaka ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy.Bangilan, Kabacan.

Ang biktimang tadtad ng bala ang katawan ay nakilalang si Nielboy Alod, nakatira sa Bgy. Pisan sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, natutulog umano si Alod sa kubo na nasa kanyang bukirin nang dumating ang mga suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.

Sa ngayon ay inalaam na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Nagpalabas na rin ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page