top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

SMB panalo, Elite natalo

Alvin Olivar
Sep 18, 2019
1 min read

Dumapa ang Blackwater kontra sa Seoul SK Knights, 93-77, kahapon sa pagsisimula ng East Asia Super League Terrific 12 sa Macau.Dinomina ng SK Knights ang laro laban sa Blackwater at nanguna para sa koponan mula sa Korea si import Jameel Warney na nagtapos ng 26 points at 14 rebounds para sa kanyang koponan.Hindi naglaro ang ilan sa mga manlalaro ng Elite kabilang na si Bobby Ray Parks Jr. at Michael DiGregorio na may iniindang injury.

Nakakuha lang ng kalamangan ang Elite sa first quarter sa pagbuslo ni Paul Desiderio ng tres upang bigyan ang koponan ng 8-7 na abanse. Agad sumagot ang SK Knights matapos ang tres ni Min Soo Kim at hanggang sa pagtatapos ng quarter ay nakuha nila ang 24-19 na abanse sa pagtatapos ng first quarter.Unti-unting lumayo ang SK Knights sa Elite noong second quarter. Isang 12-0 run ang pinakawala ng Knights na tinapos ni Warney sa kanyang pag-iskor ng lay-up para makuha ang 36-19 na abanse. Napababa ng Elite ang lamang ng Knights sa pagtatapos ng second quarter, 44-36.

Samantala, ginapi ng San Miguel Beermen ang Shenzhen Aviators, 90-76. Pinangunahan ni Prosper at Wells ang opensa ng laban habang naka-tripleng tres puntos si Terrence Romeo. Tumulong din sa opensa si Arwind Santos at si Chris Ross.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page