PHL Sambo, gold medal sa Asian C’Ship sa India

Dalawang medalya ang naiuwi ng Philippine National Sambo team sa nagdaang 2019 Asian Sambo Championships na ginanap nong Set. 13-15 sa New Delhi sa India.
Ibinalibag ni 2-time World Sambo Championships bronze medalists Sydney Sy si Arailym Abenova ng Kazakhstan para mapanalunan ang gold medal sa juniors’ +80kgs category habang sinikwat ng kapatid nitong si Chino Sy ang bronze medal sa juniors’ 82kgs. Napunta kay Turabek Ismolov ng Uzbekistan ang gold medal nang talunin si Reiho Komazawa ng Japan.
Malaki umano ang natanggap na experience ng koponan ng Sambo sa kampanya dahil magagamit nila ito bilang preparasyon sa 30th Southeast Asian Games simula sa Nob. 30-Dis. 11 sa iba’t ibang parte ng Luzon.
“Another tune-up competition ang Asian Sambo in preparation for SEAG. Malaking bagay ang makapag-compete tayo rito para maka-gain ng experience. We’re very grateful that we won medals in this prestigious tournaments kasi malalakas ang opponents natin sa Asian region,” pahayag ni Pilipinas Sambo National team secretary-general Paolo Tancontian sa Bulgar.





Comments