Historical ang 2nd FIBA Crown para sa mga Gasol

Muling inangkin ng bansang Spain ang ikalawang FIBA Basketball World Cup, nang talunin ang Argentina, 95-75 noong Linggo ng gabi at bigyan ang NBA player na si Marc Gasol ng pambihirang double-title ngayong taon.
Umiskor si Ricky Rubio ng 20 puntos habang si Sergio Llull ay dumagdag ng 15 para sa Spain, ang ika-9 na team na sumampa sa World Cup na walang naging talo.
Nakapagtala si Gasol ng 14 para sa koronang idinagdag sa unang titulo noong 2006. Isang historical win ito para kay Gasol.
Ang Toronto Raptors center ang naging ikalawang player na nagwagi ng NBA title at FIBA world gold medal sa parehong taon. Sumalo kay Lamar Odom na nagawa rin ito para sa Los Angeles Lakers at USA Basketball noong 2010.
Nang pagwagian ng Spain ang unang titulo noong 2006, ang nakatatandang kapatid niyang si Pau Gasol ang namuno sa panalo rito.
Noong Linggo, ang nakababatang Gasol naman ang bumida para sa World Cup trophy makaraan ang tatlong buwan na hawak din niya ang Larry O’Brien Trophy ng NBA sa unang pagkakataon.





Comments