top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gown sa ABS-CBN Ball, nilait, pambalot daw ng lumpia… Vice sa madlang pipol: Mga siraulo kayo! '

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2019
  • 1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Umani ng maraming reaksiyon ng netizens ang gown na isinuot ng mga celebrities noong nakaraang ABS-CBN Ball 2019 sa Shangri-La The Fort, Bonifacio Global City, Taguig, katulad na lang ng It’s Showtime host na si Vice Ganda na tinaguriang Carnival Queen.

Sa segment ng Mr. Q&A ng It’s Showtime, napag-usapan ng mga hosts na sina Vice, Jhong Hilario, Anne Curtis at Vhong Navarro ang reaksiyon ng mga netizens, fans at bashers sa pagrampa nila sa naganap na charity event para sa Bantay Bata 163.

Head-turner ang bejeweled gown ni Vice na Manila Carnival Queen 1930’s inspired pero maraming bashers ang nagbigay ng maaanghang na komento rito na tinawanan lang ng komedyante.

Sabi ni Vice, “‘Yung mga tao, kung anu-anong sinasabi sa mga damit namin. Tapos, ang damit ko raw, ang laki-laking pambalot ng lumpia. Anti-dengue outfit daw ‘yung damit ko. Ang sasama!”

Pabirong niresbakan ng Unkabo­gable Star ang mga bashers at sinabing hindi na siya a-attend sa susunod na ABS-CBN Ball.

“Kaya nga hindi na ako a-attend next year, inookray ang mga damit. Ang hirap-hirap kaya mag-fitting, mga siraulo kayo! Ang bigat-bigat nu’ng binibitbit kong gown, tapos inokray-okray lang.”

Narito naman ang iba pang comments ng mga netizens sa social media…

“Ang sabi, gown, hindi costume.”

“It’s not modern Filipiniana. It’s exaggerated.”

“‘Di ko maintindihan kung gown, costume, o mascot ba ‘yan. Ewan!”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page